
Hugot Marcelo
Arts & Culture Podcasts
Iniwan, nasaktan, pinagpalit, pinaasa. Lahat ng bigat sa puso mo, lahat ng dinadala mo, lahat ng nangyari sa nakaraan mo pag-usapan natin, gusto mo? Sasamahan kita sa healing process mo. Pag-uusapan natin yan dito sa HUGOT MARCELO.
Location:
United States
Description:
Iniwan, nasaktan, pinagpalit, pinaasa. Lahat ng bigat sa puso mo, lahat ng dinadala mo, lahat ng nangyari sa nakaraan mo pag-usapan natin, gusto mo? Sasamahan kita sa healing process mo. Pag-uusapan natin yan dito sa HUGOT MARCELO.
Language:
English
Episodes
Hanggang dito na lang
9/28/2023
Ituloy natin sa bago kong podcast ang journey natin sa paggaling.
Listen to HUGOT NIGHTS with MARCELO Podcast
Duration:00:18:54
Wag kang matakot na piliin ang sarili mo | Ep. 103
9/24/2023
Ako kasi yung taong ibibigay ang lahat hanggat kaya. Para bang gusto kong lagi siyang nakikitang masaya, na mapaparamdam ko sa kanya yung pag-ibig na gusto ko ring maramdaman kahit madalas, hindi naman ganon yung level na narereceive ko. Pero bilang isang mapagmahal na tao, bale wala na lang sa akin yun. Ang importante, mapi-please ko siya, na mapapasaya ko siya, kahit minsan nasasacrifice na yung sarili ko ring happiness and peace of mind.
Duration:00:08:17
Baka not meant to be | Ep. 102
9/23/2023
Minsan ba, naitanong mo na sa sarili mo kung bakit ayaw na niya sa ‘yo? O kung bakit bigla na lang siyang umiwas nang walang sabi-sabi? Yung iiwanan ka niya sa ere tapos ikaw naman ‘tong walang kaide-ideya, mag-ooverthink sa kung ano ba ang nagawa mo?
Duration:00:08:57
Pinakamasakit na parte ng paalam | Ep. 101
9/22/2023
Pero bakit sobrang sakit magpaalam sa kanya? Bakit parang mas nagtitiis pa tayo sa sakit kaysa sa bumitaw kasi tayo yung mas nagmamahal? Maraming tayong dahilan para kumapit pa pero darating tayo sa puntong pagsuko na lang ang tangi nating magagawa. At sa pagbitaw mo sa kanya, kasama na rin doon yung mga masasayang alaalang pinagsamahan niyong dalawa.
Duration:00:08:38
Thankful na rin ako na nangyari yon. | Ep. 100
9/14/2023
Everything happens for a reason. Ilang beses natin yan pinag-usapan dito sa podcast. Yung lahat ng mga pinagdaraanan mo, hindi mo man GUSTO pero KAILANGAN mo yan. Kailangan mong masaktan para magising ka sa katotohanang hindi selfish ang mahalin din ang sarili. Kailangan mong maranasang ma-betray para marealize mo na hindi basta basta binibigay ang trust sa mga tao. Minsan kailangan mong madapa para masabi mo sa sarili mong tama na muna, na kailangan mo rin naman ng pahinga. Kailangan mong maging tanga nang paulit-ulit para kusa na lang ang sarili mong bibitaw sa pagkabulag mo sa pagmamahal mo sa isang tao na wala namang pagpapahalaga sa’yo.
Duration:00:08:14
Bakit matagal mag-heal? | Ep. 99
9/13/2023
Madalas, sa pagmamahal mo sa isang tao, naibibigay mo na pala ang lahat ng sa’yo without realizing na wala nang natitira. And it’s too late na bago mo naisip na kapag hindi naibalik yung pagmamahal na binigay mo, doon ka mauubos.
Duration:00:07:31
Nagkukunwari lang akong okay | Ep. 98
9/6/2023
Tulad na lang sa isang relasyon, kapag paulit-ulit na lang ang pagtatalo pero wala namang nagbabago, nakakapagod yun. Pero dahil nga strong strongan tayo madalas para sa taong gusto natin, magkukunwari tayong okay, na hindi natin sasabihin o ipaparamdam sa kanila na pagod na pagod na tayo.
Duration:00:08:15
Hindi pala ako yung pipiliin | Ep. 97
9/5/2023
Naranasan mo na yun? Yung may makikilala kang taong magpaparamdam sa’yo ng pag-ibig na matagal mo nang pinagdarasal tapos noong nahulog ka na sa kanya, noong naibigay mo na ang lahat-lahat, matatalo ka rin pala sa dulo kasi hindi ikaw ang pinili niya.
Duration:00:08:47
Parte ng pagmamahal ang masaktan | Ep. 96
9/1/2023
Minsan mo na rin bang hinamon ang universe na kahit pagod ka na, kahit ikaw yung bumitaw, kahit ikaw yung sumuko, there’s a tiny little hope na magkaroon ng himala at bumalik siya sa iyo?
Duration:00:08:06
Happy naman ako. | Ep. 95
8/24/2023
Kailangan mo pala talagang isipin ang sarili mo, na hindi selfishness ang mahalin ang sarili dahil at the end of the day, tayo lang ang makakapagdecide kung magpapakabitter ba tayo o martir o miserable sa buhay.
Duration:00:08:10
Kumusta naman ang puso mo? | Ep. 94
8/20/2023
Sa totoo lang, gustuhin ko mang magkaroon ng karelasyon, sadyang malas lang talaga ako pagdating sa pag-ibig.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:06:35
Marami akong natutunan. Sana ikaw rin. | Ep. 93
8/17/2023
Minsan kasi sa dulo na lang natin nagagawa o nasasabi yung mga gusto nating sabihin sa taong karelasyon natin. Masasabi ba nating it’s too late na pero naniniwala ako na may mga sitwasyong kailangang mangyari eh. Kailangang may mapagod para makita nila yung value nila bilang isang karelasyon. Kailangang may masaktan para marealize nila kung dapat pa bang magpatuloy sa relasyon na yun o hindi na. Lahat may rason. Lahat nangyayari for a reason.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:06:35
Siya pa ang manghihingi ng closure? | Ep. 92
8/16/2023
Usually, kung sino yung naiwan, yun dapat yung manghihingi ng closure. Sila kasi yung hindi alam kung ano ba talaga ang nagawa nila. Tayo yung nagtataka kung bakit humantong sa ganon yung relasyong mayroon tayo. Marami tayong tanong sa isip na gusto nating magkaroon ng kasagutan para may resolution yung patapos na nating love story.
Pero paano kung ikaw na nga ang niloko, ikaw pa yung nirerequire niyang magbigay ng closure sa inyong dalawa.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:08:31
Bakit attracted pa rin siya sa iba? | Ep. 91
8/8/2023
Hindi mo kailangang magtiis sa mga bagay na hindi mo naman deserve. Hindi mo kailangang i-adjust ang sarili mo sa obvious naman na pagchicheat niya emotionally. Nasaktan ka, at masasaktan ka pa kapag tinolerate mo ang ginagawa niya.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:07:28
Bakit hindi na pwede? | Ep. 90
8/7/2023
Sobrang hirap din talagang bumitaw kapag alam mo sa sarili mong mahal mo pa siya at kumakapit ka pa sa natitirang pag-asa na baka pwede pa, na baka kaya pang masalba. Pero ayun nga, doon na maa-apply yung sagot na wala na kasing kayo kaya hindi na pwede.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:07:39
Nasa maling tao yata ako. | Ep. 89
8/4/2023
Halos karamihan sa atin, kahit ako, nagtiis na kasi akala ko may magbabago, akala natin may chance pa para magbago siya at makita niya ang halaga mo pero hindi. Paulit-ulit lang na pananakit, paulit-ulit na panloloko at panggagamit.
Duration:00:10:33
Ganito, iiwas na lang ako. | Ep. 88
8/3/2023
Madalas kasi lumalayo tayo dahil alam natin na yun na lang yung tamang gawin eh. Na ikaw na lang ang iiwas kasi wala na rin namang mangyayari kapag nilaban mo pa ulit.
Duration:00:09:11
Huling sugal ko na para sa'yo | Ep. 87
7/24/2023
May mga ganon naman diba? Yung hindi mo siya susukuan hanggang sa ikaw na lang ang maubos at kusang bumitaw. Kasi umaasa ka pa na baka sa huling segundong magkasama kayo - baka may magbago, baka maging okay na kayo. Ikaw yung taong hindi sumusuko sa laban kahit alam mo na naman ang ending. Oo, matapang ka. Matapang tayo pero baka kailangan talaga nating maubos para magising tayo sa katotohanan na wala na talaga.
Duration:00:09:11
Araw-araw kitang namimiss | Ep. 86 [VIDEO]
7/21/2023
Yung pipikit ka na lang tapos maiiyak na sana wala na lang nagbago, sana wala na lang nagawang mali, sana back to normal na lang kayo ulit… pero wala na.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:13:21
Na-in love siya sa iba habang kayo pa | Ep. 85 [VIDEO]
7/17/2023
Sobrang tagal mong clueless sa mga nangyari pero dahil wala ka nang magagawa, kaya hahayaan mo na lang, bibitaw ka na lang kahit sobrang sakit na. Pero may mas sasakit pa pala, yung malaman mong habang kayo pa, na-inlove na siya sa iba.
Send your message here: Hugot Marcelo Podcast
Join our Facebook Group: Kwentuhan with Marcelo
Duration:00:12:49