The Linya-Linya Show-logo

The Linya-Linya Show

1 Favorite

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo...

Location:

United States

Description:

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

Language:

English


Episodes
Ask host to enable sharing for playback control

400: Bara-Bara - The UMPH-Told Story w/ Kuya Kevs

4/3/2026
Sa episode na ito ng Livin’ The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na ’to.Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—hindi laging maayos, pero (hopefully) mas may direksyon. May halong nostalgia, self-awareness, at konting existential crisis, pero may kasamang tawa at pag-asa.Isang kwentuhan para sa mga trentito, trentita, at sa lahat ng trentahin—na patuloy pa ring nagfi-figure out ng buhay, one year at a time.Listen up, yo.

Duration:02:22:17

Ask host to enable sharing for playback control

399: Trentito, Trentita, Trentahin - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio

3/27/2026
Sa episode na ito ng Livin’ The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na ’to. Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—hindi laging maayos, pero (hopefully) mas may direksyon. May halong nostalgia, self-awareness, at konting existential crisis, pero may kasamang tawa at pag-asa. Isang kwentuhan para sa mga trentito, trentita, at sa lahat ng trentahin—na patuloy pa ring nagfi-figure out ng buhay, one year at a time. Listen up, yo.

Duration:00:56:25

Ask host to enable sharing for playback control

398: Women, stand up!: Kwentuhang comedy at kababaihan w/ Lady Boses

3/23/2026
On this special Women’s Month episode, nakasama natin ang proud members ng Lady Boses podcast — sina Jeannie Laccay, Diana Aaron-Ong, at Khaye Asco — isang all-female collective ng stand-up comedians na patuloy na nagbibigay ng #Pekpektives sa buhay, trabaho, at comedy scene. Napag-usapan namin ang origin story ng Lady Boses, ang kani-kanilang personal journeys sa stand-up comedy, at kung paano nila nina-navigate ang isang industriyang matagal nang male-dominated. Pinag-usapan din namin ang creative process nila—kung bakit mahalagang magsulat muna ng jokes para sa sarili bago sa audience, para lumabas ang authentic na boses at maiwasan ang magkakatulad na materyal. Napunta rin ang usapan sa women representation sa comedy, validation mula sa kapwa babae, dynamics ng female audiences, at kung paano nagiging mas komportable at mas expressive ang tawa kapag kapwa babae ang nasa entablado. Isang masaya, makulit, pero makabuluhang kwentuhan kasama ang mga trentahin at kwarentahing tita. Listen up, yo.

Duration:01:18:48

Ask host to enable sharing for playback control

397: Firm, Fierce, & Fearless: Maldita Pero Mabait Para sa Bayan w/ Karmina Constantino

3/13/2026
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang isa sa pinakarespetado at pinakamatapang na boses sa Philippine broadcast journalism— si Ms. Karmina Constantino. Kilala siya sa kanyang firm, fierce, at fearless na estilo ng pagtatanong. Sa harap man ng senador, spokesperson, o sinumang makapangyarihan, hindi siya tumitiklop. Diretsahan kung diretsahan—basta mahalaga ang tanong, at para sa katotohanan. Sa episode na ito, nakilala rin natin ang tao sa likod ng journalist. Napag-usapan namin ang kanyang background, education, at ang impluwensiya ng pamilyang pinagmulan niya— isang pamilya ng historians, academics, at public intellectuals. Ikinuwento rin niya kung paano niya hina-handle ang tough interviews with tough personalities, kung paano siya naghahanda bago ang isang panayam, at kung paano niya pinapangalagaan ang integridad ng kanyang trabaho. Napunta rin ang usapan sa kanyang reputation bilang “maldita” sa harap ng camera, at kung bakit minsan kailangan talagang maging matigas at matatag— pero sa dulo, mabait pa rin para sa bayan. Sa gitna ng mga mabibigat na balita at mga nangyayari sa politika, napag-usapan din namin ang pag-asa at pangamba para sa bansa, at kung ano ang dapat gawin ng mga Pilipino habang papalapit ang 2028 national elections. Naglapag din tayo ng isang hypothetical na tanong: kung magkaharap sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, ano-ano ang itatanong niya? Masaya at makabuluhang usapan. Hindi ako kinabahan, promise. Listen up, yo.

Duration:01:35:33

Ask host to enable sharing for playback control

396: Bara-Bara - Inside the Mind of the Milky Man w/ JONAS

3/6/2026
Isa na siguro sa pinakaseryosong episode na narecord natin sa kasaysayan ng Bara-Bara series. Purong bars at lyrizizim lang. Mga ka-Linya, mga ka-Bara– battle emcee, music artist, content creator, at isa sa mga pinaka-respetadong hurado sa balat ng battle rap– also known as the Milkyman, laging handang manggatas– mula Bulihan, Cavite pa para sa inyo, mag-ingay para kay JONAS! Binalikan natin ang kanyang background at kinalakhan, binreakdown ang battle rap character at persona, tinalakay ang usaping self-awareness at ego, ang panggagatas sa mundo ng content at social media, pati na syempre ang wasto at maayos na paghuhurado. Binaybay natin ang pasikot-sikot na utak ng nag-iisang Milky Man. One word: Makasaysayan. Listen up, yo!

Duration:01:58:47

Ask host to enable sharing for playback control

395: Walang Cut, Walang Retake: Local Arts & Theater w/ Jasmine Curtis-Smith

2/27/2026
We are lucky to have with us at The Linya-Linya Show, Jasmine Curtis-Smith—award-winning actress, theater performer, and advocate for meaningful storytelling. Kilala siya, hindi lang sa kanyang panlabas na ganda, kundi mas lalo sa kanyang husay, talino, at puso sa craft—sa bawat role na kanyang ginagampanan, na may lalim at may paninindigan. Pinag-usapan namin ang pagmamahal niya sa Philippine arts— mula OPM hanggang indie films —at kung paanong nagiging makapangyarihang instrumento ang sining para itampok at pagnilayan ang mga isyung panlipunan. Nauwi rin ang kwentuhan sa mas malalim at mas personal na espasyo: ang kanyang creative process, ang transition niya mula film at TV papuntang teatro, ang power ng stage para sa truth-telling at pagtampok sa mahahalagang social issues. Tinalakay din namin ang pagkakaiba ng film at theater bilang art form— ang pagiging raw, buháy, at mapangahas ng teatro bilang walang cut, walang retake, at lahat ay nangyayari sa harap mo at sa mismong sandali. Masaya nya ring ibinahagi ang kanyang upcoming stage play na ENDO, na isang Cinemalaya film, almost 2 decades ago. Mas nakita at narinig natin dito ang isang Jasmine na creative, mindful, insightful, at reflective— hindi lang artista sa harap ng kamera, kundi isang artist na may lalim, disiplina, at malasakit sa bawat proyektong pinapasok. Listen up, yo.

Duration:01:10:21

Ask host to enable sharing for playback control

394: Pakiusap lang, mag-usap-usap tayo! w/ Prof. Joselito delos Reyes & Jerry Gracio

2/20/2026
Sa pinakabagong episode ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang dalawang award-winning writers at guro—Prof. Joselito Delos Reyes at Jerry Gracio—para sa isang masayang pero makabuluhang kwentuhan.Pinag-usapan namin ang mga recent na balita sa pulitika, ang mga aral na dapat sana’y natutuhan sa mga huling kampanya, at ang halaga ng pag-uusap-usap ng iba’t ibang mga grupo at kampo, upang maipanalo ang mga nais nating mamunp sa bansa. Syempre, natalakay din natin kung paano nagbabago ang paraan ng pagsusulat—mula sa tradisyunal na panitikan hanggang sa social media. Napagkwentuhan din ang creative writing, ang papel ng manunulat sa lipunan, at syempre, ang hypothetical campaign strategy kung sakaling tumakbo na nga sa pulitika si Sir Jerry Gracio (haha!).Isang usapan na may talas, may tawa, at may lalim—para sa mga naniniwala na ang salita ay may bigat, at ang panitikan ay may pakialam.Listen up, yo!

Duration:02:03:12

Ask host to enable sharing for playback control

393: Pagbabasa, Pagsusulat, Pagsasalin w/ Edgar Calabia Samar

2/16/2026
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama muli natin ang award-winning writer, at dati kong guro, na si Edgar Calabia Samar—isa sa mga pinakamahusay na manunulat ng ating henerasyon. Nagkwentuhan kami tungkol sa pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalin— hindi lang bilang mga gawain, kundi bilang mga paraan ng pananatiling buo sa gitna ng magulong realidad. Pinag-usapan namin kung bakit hindi kahinaan ang pagiging emosyonal, kundi sintomas ng mas malalalim na suliranin sa lipunan; kung paano dapat igalang ang sariling damdamin; at kung bakit mahalagang hanapan ng oras ang pagsusulat kahit sa “karaniwang araw.” Tinalakay rin namin ang halaga ng pagbabasa— kahit pa minsan ay tinatawag na "performative" — at kung paanong ang libro ay nagiging security blanket sa mga sandaling pinaghihintay tayo ng mundo. May pagbasa rin ng tula, pagninilay sa salitang “dito,” at pag-usisa kung kanino at hanggang saan ba ang sakop ng ating espasyo, damdamin, at pananagutan. Isang mahabang kwentuhan tungkol sa wika, emosyon, at pagkatao— na nagpapaalala sa atin na ang nararamdaman natin ay may pinanggagalingan, at may saysay.

Duration:02:06:36

Ask host to enable sharing for playback control

392: Bara-Bara - Bars Mula Baras w/ RUFFIAN

2/6/2026
Yo, check! Panibagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collaboration ng Linya-Linya at FlipTop Battle League. Sa episode na 'to, nakasama natin ang isa sa pinaka-solid na battle emcees ng bagong henerasyon — si Ruffian. Mula sa pagiging kampeon sa underground rap battle leagues, hanggang sa mabilis na pag-akyat sa FlipTop simula 2023, sunod-sunod na heavyweight na kalaban at classic battles na agad ang ipinakita niya sa entablado. Nagkwentuhan kami tungkol sa pinagmulan niya sa Baras, Rizal — isang lugar na kilala rin sa malalim na hip hop at artistic culture — at kung paano nahubog ang kanyang estilo, karakter, at pananaw bilang bata, hanggang sa maging rap artist at battle emcee. Ikinuwento niya rin ang kanyang creative process sa pagsusulat ng matatalim na linya, ang impluwensya ng international rap battle scene sa kanyang estilo, at ang pressure at pride ng pagharap sa mga pinakamalalakas na pangalan sa liga. Palitan din ito ng pananaw tungkol sa pagbabasa at sa sining, at kung paano hinuhubog ng mga ito ang kanyang craft. Kilalanin natin si Ruffian, bilang artist, at bilang tao. Listen up, yo.

Duration:02:18:49

Ask host to enable sharing for playback control

391: 2016 vs. 2026 - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio

1/30/2026
Kailan lang, nag-trending sa social media ang pagbabalik-tanaw sa mga post at litrato noong 2016. Maraming napa-throwback, napa-reminisce, at napa-“grabe, ang layo na pala.” Sa latest episode ng Livin’ The Filipino Life, ginawa rin ‘yan nina Ali at Vic — dalawang magtropang noon pa magkasama, parehong nagsisimula pa lang sa kani-kanilang mga karera, parehong hinahabol ang passion, at parehong wala pang ideya kung saan sila dadalhin ng buhay. Nagsimula na ang Linya-Linya at Comedy Manila, pero wala pang The Linya-Linya Show noon. Isang nostalgic na kwentuhan na puno ng alaala, tawa, at realizations — tungkol sa growth, pagbabago, at kung paano mabuhay bilang Pilipino habang hinahanap ang sarili at pwesto sa mundo. Hanep! Listen up, yo!

Duration:01:03:13

Ask host to enable sharing for playback control

390: BETA DAYS w/ GB Labrador

1/23/2026
Sa panibagong episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin ang isa sa mga haligi ng Filipino stand-up comedy — standup comic, writer, podcaster, founder ng Comedy Manila, at miyembro ng back-to-back #1 comedy podcast sa bansa, The KoolPals — si GB Labrador! Bumalik kami sa kanyang pinagmulan: ang pagkabata sa 80s at 90s, panahon ng analog at Betamax. Ang kwento nya bilang batang Katipunan, na muntik mag-Pari, na natutong mag-basketball at dumakdak, at ang mga sandaling nadevelop ang kanyang humor at nahubog ang mga pananaw sa buhay. Pinag-usapan din namin ang early days ng Comedy Manila, ang dynamics ng The KoolPals, at ang kanyang paparating na Tayo-Tayo event sa Linya-Linya HQ, at ang 1-hour comedy special sa Hyundai Hall, sa Areté Ateneo. Samahan nyo kaming sikutin ang malikot na utak ng comedy genius at legend na si GB Labrador. Listen up, yo!

Duration:02:10:41

Ask host to enable sharing for playback control

389: Sa Likod ng Balita w/ Lian Buan

1/16/2026
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Lian Buan — investigative journalist ng Rappler, kilala sa kanyang matiyaga at matapang na pagbantay sa usapin ng hustisya, karapatang pantao, at pananagutan sa kapangyarihan. Nagkwentuhan kami hindi lang tungkol sa balita, kundi tungkol sa tao sa likod ng byline: saan siya nagmula, paano siya napunta sa journalism, at paano niya hinaharap ang bigat ng trabaho sa isang panahon na sabay-sabay ang information, misinformation, at disinformation. Pinag-usapan din namin kung paano dapat kumonsumo ng balita sa panahon ng social media, ano ang papel ng investigative journalism, paano makikilahok ang kabataan at ordinaryong mamamayan sa national discourse, at saan nga ba humuhugot ng pag-asa ang isang mamamahayag na araw-araw nakakasaksi ng mga problema sa sistema. Isang kwentuhan tungkol sa katotohanan, konteksto, at paninindigan — na hindi kailangang maging mabigat para maging mahalaga.

Duration:02:13:22

Ask host to enable sharing for playback control

388: Bara-Bara - Panalo sa Battle at sa Buhay w/ MHOT

1/9/2026
Panalo sa battle at sa buhay. Panibagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya. Kasama natin ang undefeated FlipTop battle emcee, 2017 Isabuhay Champion, at rap artist sa likod ng critically-acclaimed album na “Panalo Kasa” — mula Cavite pa para sa inyo, mag-ingay para kay MHOT!Kwentuhan tungkol sa Ahon 16, ang epic battle nila ni Tipsy D, ang pressure ng pagiging undefeated, at ang bigat at biyaya ng expectations. Binalikan din natin ang kanyang pinagmulan, ang buhay sa kalye, at kung paano binabalanse ang pamilya, musika, at battle rap.Pinag-usapan din natin ang “Panalo Kasa” — ang kwento sa likod ng album, ang kaibahan ng pagsusulat para sa battle at sa kanta, at kung paano hinuhubog ng buhay ang kanyang sining. Mula gutom, sikap, at siklo ng buhay — hanggang sa mga susunod na target na panalo sa 2026 at sa darating pang panahon.Solid na usapan tungkol sa tagumpay, paghihirap, at patuloy na pagsusumikap– sa loob at labas ng mundo ng battle rap. Listen up, yo.

Duration:02:26:35

Ask host to enable sharing for playback control

387: Bara-Bara - Talas at Talastasan w/ KATANA

12/30/2025
Yo, check. Panibagong episode ng Bara-Bara — ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya .Kasama natin ang isang rap artist at battle emcee na nakilala sa kanyang unique brand of humor, malikhaing pagbusisi ng angles, matalas na pen game, at estilong may kombinasyon ng kwela at mala-halimaw na delivery. Reppin’ Las Piñas, at ngayon ay isa nang ganap na kampeon — ang FlipTop Battle League 2025 ISABUHAY CHAMPION-- mag-ingay para kay KATANA!Sa episode na ’to, binalikan namin ang kanyang pinanggalingan— mula childhood at underground battles, hanggang Motus at sa big stage ng FlipTop. Pinag-usapan namin ang pagbuo ng kanyang persona, ang hugot ng kanyang jokes at angles, ang creative process sa paggawa ng rounds, at kung paano niya hinasa ang kanyang talim para sa matinding Isabuhay run.Siyempre, sinilip din namin ang behind-the-scenes ng kanyang championship journey: preparations, kaba, adjustments, at ang mga sandaling hindi inaasahan. Kasama rin ang reflections niya bilang bagong kampeon, dream matches, at kung ano ang susunod para kay Katana sa battle rap at hip hop.Isang masinsin, masaya, at insightful na kwentuhan kasama ang emcee na kayang maging teddy bear — at isang iglap lang, maging dibel-dibel sa entablado.Game na. Listen up, yo!

Duration:02:31:02

Ask host to enable sharing for playback control

386: Balitang Bata! w/ AHA Tondo Kids

12/24/2025
Bumisita ako sa Better World Smokey Mountain sa Tondo, Maynila para sa isang event ng AHA! Learning Center—at doon ko nakilala ang mga batang hindi lang cute at makukulit, kundi bibo, matatalino, at tunay na mga star students ng Tondo.Sila ang mga hosts ng Balitang Bata—isang youth-led radio podcast, created by kids, for kids, at pati na rin para sa mga kids at heart. Sa kanilang programa, tampok ang mga kwento, trivia, at kwentuhang nagbibigay-boses sa mga pangarap, karanasan, at araw-araw na buhay ng mga batang Pilipino.Sa episode na ’to ng The Linya-Linya Show, nagkaroon kami ng simpleng kwentuhan—pero punong-puno ng laman. Pinag-usapan namin kung taga-saan sila at ano-ano’ng skwela, mga karanasan nila sa paaralan at pamilya, mga pinagkakaabalahan nila at mga pangarap nila paglaki. At lampas sa kwentuhang pambata, naging totoo at madamdamin rin ang usapan. Ibinahagi nila ang mga concerns nila sa edukasyon, mga isyung panlipunan, at kung paano nila nararamdaman ang korupsyon sa lipunan—at ang epekto nito sa kanilang kinabukasan.Isang paalala na kahit bata pa, may malinaw silang boses, opinyon, at pakiramdam—kailangan lang silang pakinggan.Listen up, yo.

Duration:01:22:46

Ask host to enable sharing for playback control

385: Buhay Solo w/ A$tro

12/17/2025
Sa episode na ’to ng The Linya-Linya Show, kasama natin si A$tro — isa sa mga pinakamalupit at pinakamasipag na rap artists ng Pinas na hinahataw ang hip-hop para buhayin ang pamilya at ang pangarap.Pinag-usapan namin ang roots niya sa Sampaloc at ang pag-usbong ng kanyang artistry sa Rizal; ang proseso at kwento sa likod ng mga kantang nagka-impact sa napakaraming listeners at ang iba't iba nyang collabs; ang realidad bilang isang artist, entrepreneur, at erpat.Sakto ang labas nito sa kalalabas lang ding "Solo" album ni A$tro. Listen up, yo.

Duration:01:21:30

Ask host to enable sharing for playback control

384: Bukás ang Bokasyon w/ Romar Chuca

12/10/2025
Biglaang podcast recording, kaya ipinagpasa-Diyos na lang namin ni Romar Chuca, also known as The Catholic Comedian, kung saan tutungo ang usapan namin. Turned out, naging catchup, processing (bilang Linya-Linya team member sya noon!), life updates, at paghimay ng mga naging lakbay nya da iba’t ibang mga pinasok nyang bokasyon.Syempre, pinag-usapan din namin ang book collaboration ni Romar Chuca, kasama ang Linya-Linya at St. Pauls, na pinamagatang “Banat ng (mga sumusubok talagang maging) Banal.” Masayang kwentuhan, na may halong reflection— listen up, yo!

Duration:01:11:18

Ask host to enable sharing for playback control

383: Bara-Bara - Iba Pa Rin ‘Pag Live w/ ANYGMA

12/3/2025
Bara-Baraks! Bumisita tayo sa Baraks, headquarters ng FlipTop para makausap ang presidente ng liga, si Anygma. Inupuan namin para pagkwentuhan at pagnilayan ang malalaking events at milestones ng FlipTop, ni Anygma, at ng Filipino hip hop ngayong taon: — Ang pagrepresenta ng FlipTop sa Frankfurt Book Fair — Ang historic musice event na FlipTop Live — Ang nakakawindang na AHON 16 lineup at match-ups — Predictions para sa Royal Rumble, Finals, at dark horses ng liga — At syempre, sneak peek sa FlipTop 2026 Tatlong oras na kwentuhan. Nakaubos ng 10 yosi si Anygma. Para sa fans, emcees, at kahit sinong curious sa inner workings ng #1 rap battle leage sa mundo. Listen up, yo. At syempre, kitakits sa AHON 16.

Duration:02:40:01

Ask host to enable sharing for playback control

382: Tuloy Lang sa Pagtindig at Paglaban w/ Kiko Aquino-Dee

11/26/2025
Sa panahong maraming Pilipinong tila pagod na, disillusioned, o parang nawawalan ng saysay ang “tindig,” nakakabuhay kapag may nakikilalang mga kabataang patuloy pa ring lumalaban.Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Kiko Aquino-Dee — isang part-time lecturer sa University of the Philippines Diliman; co-convenor ng Tindig Pilipinas; isa sa organizers ng Trillion Peso March; Executive Director ng Ninoy and Cory Aquino Foundation, kung saan tumutulong siyang itaguyod ang mga adbokasiya ng kanilang pamilya.Pamangkin siya ni dating Pangulong Noynoy Aquino, at apo nina Ninoy at Cory Aquino— pero higit pa sa apelyido, gusto nating makilala kung sino si Kiko bilang tao, mamamayan, at lider ng bagong henerasyon.Mula Wrestling, Pokémon, kanyang kabataan, edukasyon, hanggang kung paano siya nahubog ng kanyang pamilya’t karanasan. Tinalakay din namin ang mga isyung bumabalot sa gobyerno ngayon— mula sa korapsyon hanggang sa pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan— at kung paano nananatiling buhay ang diwa ng katapatan at serbisyo na sinimulan ng kanyang Tito Noy.Mula Luneta hanggang EDSA, mula sa galit hanggang sa pag-asa — pag-uusapan natin kung paano pa rin tayo tatayo at titindig, sa kabila ng paulit-ulit na pagkadismaya.Samahan niyo kami ni Kiko, hindi lang sa pakikinig, ngunit pati na rin sa paglabas sa kalsada, at patuloy na paglaban para sa mga minimithi natin sa lipunan.

Duration:02:00:32

Ask host to enable sharing for playback control

381: Mga Munting Bulsa ng Pag-asa w/ Fr. Flavie Villanueva

11/21/2025
Totoong #blessed tayo sa episode na ‘to. Kasama natin si Fr. Flavie Villanueva, ang paring inilapit ang misyon ng simbahan sa lansangan. Siya ang founder ng Arnold Janssen Kalinga Center, na nagbibigay ng dignified care sa mga maralita at nawalan ng tahanan, at Dambana ng Paghilom, na nagbibigay ng makataong libingan at suporta sa mga biktima ng drug war. Mula sa kanyang personal na transformation bilang dating drug user hanggang sa pagiging paring ginagabayan ng malasakit at tapang, pag-uusapan namin ang: • Ano ang ibig sabihin ng tunay na dignidad. • Ang hirap at ganda ng pag-asa. • At paano manatiling tapat sa pananampalataya sa gitna ng dilim. Isang usapan tungkol sa pananampalataya, katarungan, at pagkatao. Listen up, yo.

Duration:01:38:58