PAULINES-logo

PAULINES

1 Favorite

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul

Location:

United States

Description:

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul

Language:

English


Episodes
Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

5/17/2024
Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21,20-25 Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako’y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito’y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko’y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat. Pagninilay: "Sumunod ka sa akin." Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?" Kahit pala Santo ay usisero din si Pedro! Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga’y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga’y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig. Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?

Duración:00:03:39

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes

5/16/2024
Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21:15-19 Nag pahayag si Hesus sa Kanyang mga Alagad: Nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” iniibig mo ba ako?”: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!” Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, tinanong ni Hesus si Pedro ng makaikatlong beses kung iniibig Siya ni Pedro. Narinig natin na ang pagtatanong ng Panginoong Hesus ay may progreso. Sa una, winika Niya na pakanin ni Pedro ang Kanyang maliliit na tupa, na sa aking personal na pagkaunawa ay yaong mga bata at balo. Ang ikalawa at ikatlo ay winika ng Panginoong Hesus na pakanin ang malalaking tupa na maaaring yaong mga naunang taga sunod ni Hesus. Subalit sa pangkalahatan, ang maliliit na tinutukoy ay yaong mga sumasampalataya at nanalig sa ating Panginoong Hesus. Mga kapanalig, ipinapakita lamang sa pagbasa na kay Pedro ipapaubaya ni Hesus ang pangangalaga ng Simbahang itinatag Niya. Bilang kauna-unahang Santo Papa, ipinagkatiwala kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Napakalaki ng responsabilidad ng mga sumunod sa kanya, na ngayon ay sa katauhan ni Santo Papa Francisco. Ipanalangin natin siya at ang mga obispo, pari, diyakono na mga lingkod ng ating Simbahan. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

Duración:00:03:58

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 17, 2024

5/16/2024
A Thought A Day | May 17, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280- METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:06:15

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 16, 2024 – Huwebes

5/15/2024
Mabuting Balita l Mayo 16, 2024 – Huwebes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: JUAN 17, 20-26 Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nagsugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwalhating ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya nang tayo ay iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya malulubos sila sa kaisahan, at kikilanlin ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin at nagmahal ako sa kanila gaya ng pagmamahal mo sa akin. Ama, sila ang ipinagkaloob mo sa akin kaya niloloob ko na kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at makita nila ang kaluwalhatian kong kaloob mo sa akin sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi kumilala sa iyo ang mundo; kumilala naman ako sa iyo at kinilala rin ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahahayag ko sa kanila ang Pangalan mo at ihahayag pa upang mapasakanila ang pagmamahal mo sa akin at ako rin ay mapasakanila.” Pagninilay: Sa ilang taon ko bilang conductor ng isang parish choir, ang isa sa mga pinakamahalagang kasanayang dapat matutunan ng bawat miyembro ay ang unison singing o ang pagkakanta ng sabay-sabay ng iisang himig. Iba ang ganda at kilabot-effect ng isang grupo ng magkakaibang mga tao at tinig ay nagkakaisa. Ayon pa nga sa mga siyentipikong pag-aaral, kapag ang koro ay kumakanta, maging ang kanilang paghinga at pagtibok ng puso ay nagiging isa! Iisang himig, iisang tinig, iisang pusong pumipintig! Ito mismo ang panalangin ni Hesus para sa lahat ng nananampalataya sa Kanya: ang pagkakaisa na nakaugat sa pagmamahalan nila at ng Ama. Walang ibang hangarin ang umiibig kundi ang laging makapiling ang iniibig, kaya isinugo ni Hesus ang Espiritu Santo, ang pag-ibig ng Ama at ng Anak, upang kahit ngayon ay maransanan natin ang mamuhay sa pagmamahal. Kung gayon, iisa lamang pala ang tibok ng puso natin at ng puso ng Diyos! Mga kapanalig, maraming pagkakataong susubukin ang pagkakaisang pinapangarap ni Hesus para sa atin. Sa tuwing natutukso tayong makita lamang ang kahinaan ng isa’t isa, nawa’y hilingin nating mapalalim ang ating pananatili sa puso ng Diyos upang mapanibago ang ating pananaw at lumawak ang ating pag-unawa. Kapag kay Hesus tayo naka-focus, hindi magwawagi ang pag-aaway; pagkakaisa ang bonus basta’t pag-ibig ay tunay.

Duración:00:04:14

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 16, 2024

5/15/2024
A Thought A Day | May 16, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280- METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:06:04

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 15, 2024 – Miyerkules

5/14/2024
Mabuting Balita l Mayo 15, 2024 – Miyerkules Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: JUAN 17:11b-19 Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila gaya natin. “Nang kasama nila ako, iningatan ko sila sa Ngalan mo at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak maliban sa nagpahamak sa kanyang sarili; marapat ngang maganap ang Kasulatan. At ngayon, bago ako pumunta sa iyo, sinasabi ko ito sa mundo upang malubos sa kanila ang aking galak. “Ipinagkaloob ko sa kanila ang iyong salita at napoot sa kanila ang mundo sapagkat hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa mundo, kundi pangalagaan mo sila sa masama. “Hindi sa mundo sila galing, gaya nang hindi ako sa mundo galing. Pabanalin mo sila sa katotohanan. Ang wika mo ay katotohanan. Kagaya nang ako’y sinugo mo sa mundo, gayundin naman sinugo ko sila sa mundo. At alang-alang sa kanila’y pinababanal ko ang aking sarili, upang pati sila’y pakabanalin sa katotohanan.” Pagninilay: Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni San Isidro Labrador, isang magsasaka at patron ng mga magsasaka. Bago pumunta si Isidro sa kanyang sinasaka ay nagsisimba muna sya kaya tanghali na syang dumarating sa farm. Dahil dito isinumbong sya ng kanyang kapwa manggagawa sa kanilang landlord. Nagsurprise visit ang landlord sa farm upang alamin ang katotohanan. Wala nga si Isidro pero may anghel na nag-aararo habang nagsisimba si Isidro. Kaya po makikita natin sa imahen ni San Isidro ang anghel at kalabaw. Kapanalig, ito ang sinasabi ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Hindi dahil tagasunod nya, ligtas na sa mapang-usig na mundo. Darating pa rin ang mga problema at pagtitiis sa buhay natin subalit kung tayoý na kay Cristo pupunuin Nya tayo ng grasya na makayanan at malagpasan ang mga ito. Usigin man tayo ng mundo dahil sa pagsunod sa Kanyang mga utos, ang kapayapaan at galak sa ating mga puso ay hindi maglalaho. Hingin natin ang panalangin ni San Isidro na manatili rin tayong tapat kay Hesus. -Sr. Lourdes Ranara, fsp l Daughters of St. Paul

Duración:00:04:06

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Isidore, the farmer l Patron Saint of ALL Farmers | May 15

5/14/2024
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Isidore, the farmer l Patron Saint of all Farmers | May 15 There are two famous saints by the name of Isidore, one is the Archbishop of Seville, and the other is Isidore, the farmer. We shall speak today about St. Isidore, the farmer or laborer. He is also called San Isidro de Labrador. St. Isidore, whose real name is Isidro Quintana de Merlo was born in Madrid from poor but devout Catholic parents and was baptized with the name of St. Isidore of Seville. As a young boy, he learned from his parents that devotion to God is the most important duty, followed by helping one’s neighbors. At an early age he was at once employed as a farm help in the vast estate outside the city of San Juan de Vargas. He was humble, kind and charitable. Early every morning, he would go to church to attend Mass and he had the habit of visiting the churches around Madrid. Isidore married Maria Torribia known in Spain as Santa Maria de la Cabeza. (Her canonization is still to be confirme). The couple had one son who later died in his youth. It is related that when this son was just a small boy, he fell into a deep well, and his parents prayed hard for his safety. Miraculously, the water of the well rose to the level of the ground bringing the child with it. The couple was greatly thankful to God, and in thanksgiving vowed sexual abstinence and lived in separate houses. Isidore continued his farm work but he would often come late for work so the other farm helps complained about it to their master. When the master went to the fields to investigate, he found that an angel was ploughing the field while Isidore was in deep sleep. The master therefore concluded that angels were helping Isidore that’s was why his part of the field was two times better and fruitful than those of his companions. Other miracles happened even while Isidore was still alive. Before he and his wife vowed (abstinence) continency and took separate lodgings, Maria always kept stew on their humble fireplace for the poor people Isidore would bring home to feed. One day, he brought more people and the stew Maria prepared was not enough. Isidore told her to check the pot again, and behold there was enough stew and they were able to feed everyone. On another occasion, when Isidore was going to the mill to ground wheat for their consumption, he saw a flock of pigeons scratching vainly for food but there was none because it was snowy. Isidore poured half of the wheat in his sack and the birds enjoyed their meal. Those who saw him laughed and mocked him for such stupidity. However, when he reached the mill, the bag was full again and when it was milled, it produced double the expected amount of flour. Other miracles happened while he was still alive and more after his death. St. Isidore died on May 15, 1130. He was beatified on May 2, 1619 by Pope Paul and was canonized on March 12, 1622. He is venerated as the patron saint of Madrid, of farmers, peasants and of the US National Catholic Life Conference. Many churches in the Philippines are named after him. Virtue: piety, humility, charity, generosity, continence, confidence Prayer: “Pray for us St. Isidore that we may love God the way you did and our neighbors as ourselves.”

Duración:00:04:46

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 15, 2024

5/14/2024
A Thought A Day | May 15, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:05:47

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes

5/13/2024
Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15, 9-17 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin Kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.” Pagninilay: "Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo, at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo." Katulad ng labindalawang apostol na nauna sa kanya, pinili din at hinirang ng Diyos si San Matias na maging malapit na tagasunod ni Kristo. Sa apostolic exhortation ni Pope Francis na pinamagatang Gaudete et Exsultate (Magsaya at Magalak) sinabi niya, na hindi kailangang maging obispo, pari o madre para maging banal. Madalas kasi, iniisip natin na ang kabanalan ay para lang sa mga taong lumalayo sa mundo para magdasal nang buong araw. Hindi po! Tinatawag tayong maging banal sa pamamagitan ng pamumuhay na punung-puno ng pagmamahal, at sa pagpatotoo sa mga aral ni Kristo saan man tayo naroroon. May asawa ka ba? Maging banal ka sa pagmamahal at pag-aaruga sa iyong asawa gaya ng pagmamahal ni Kristo sa simbahan. Nagtatrabaho ka ba? Maging banal ka sa pagsisikap na magawa ang trabaho mo nang may katapatan at buong galing, bilang serbisyo mo sa buong mundo. Isa ka bang magulang? Maging banal ka sa pagmamahal mo at pagtuturo sa mga anak mo kung paano sumunod kay Jesus. Nasa posisyon ka ba ng kapangyarihan? Maging banal ka sa pagtataguyod ng ikabubuti ng mas nakararami, at sa pagtalikod sa anumang bagay na makasarili. Digital creator ka ba o social media user? Gamitin mo ang kakayahan mo sa pag-spread ng katotohanan at pag-asa, hindi ng tsismis at puro nega. Sundan natin ang halimbawa ni San Matias na nagpalaganap ng salita ni Kristo hanggang sa maging martir siya para sa Panginoon. San Matias, ipanalangin mo kami.

Duración:00:04:31

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 14, 2024

5/13/2024
A Thought A Day | May 14, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:05:33

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes

5/12/2024
Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16: 29-33 Sinabi ng mga alagad kay Hesus: “Talaga, tahasan ka nang nangungusap ngayon, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. Alam na naming ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya kami naniniwala na sa Diyos ka galing.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? Narito’t parating ang oras at sumapit na upang mangalat kayo—ang bawat isa sa kanya-kanyang sarili-at ako naman ay iiwan n’yong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Nagdadalamhati kayo sa mundo subalit lakasan n’yo ang loob, nagtagumpay ako sa mundo.” Pagninilay: Maraming uri ng pagsubok ang dumarating sa ating buhay. Marami tayong mga balita na nababasa at naririnig tungkol sa maraming klase ng violence na nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo. Minsan ito ay nagaganap rin mismo sa sariling pamilya, sa komunidad, o sa ating lipunan. Sa ngayon, may mga bansang katulad ng Ukraine at Russia, Israel at Hamas na patuloy pa rin ang giyera. Marami nang tao ang namatay, nasugatan, mga pamilyang nagkawatak-watak, mga infrastructures at important landmarks na nasira, dahil lamang sa walang saysay na giyerang ito. Kapanalig, ang kapayapaan ay matatamo lamang natin kung ang ating puso at kalooban ay malapit na kaisa ni Hesus. Ang kawalan ng kapayapaan ay di lamang nangyayari kung may mga physical violence na nagaganap sa buhay. Pero puede rin tayong mawalan ng kapayapaan kapag ang ating puso ay puno ng poot sa ibang tao at wala nang puwang ang pag-ibig ng Diyos. Ang negative na gamit ng social media ay nagiging hadlang rin para manahan ang kapayapaan sa ating puso. Sa kabila ng mga kaguluhan at mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, sikapin nating maging kaisa ni Hesus sa bawat sandali para Manahan sa ating puso at kalooban ang tunay na kapayapaan na tanging siya lamang ang makapagbibigay.

Duración:00:03:42

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 13, 2024

5/12/2024
A Thought A Day | May 13, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:05:22

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 12, 2024 - Linggo

5/11/2024
Mabuting Balita l Mayo 12, 2024 Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon Araw ng Pandaigdigang Pakikipagtalastasan Ebanghelyo: Marcos 16,15-20 Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila. Pagninilay Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin kung papaano kinatagpo ni Hesus ang kanyang mga alagad sa Galilea at inatasan sila: “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.” Sa Galilea sila unang tinawag, sa Galilea din sila isinusugo. Ang tawag ng Simbahan ngayon ay ang “New Evangelization”. Sabi ni Papa San Juan Pablo II, sa kanyang liham ensiklikal na Redemptoris Missio, may tatlong katangian daw ang Bagong Ebanghelisasyon: bagong paraan, bagong pagpapahayag, at bagong sigla. Sabi naman ni Papa Francisco, ang Bagong Ebanghelisasyon ay nangangailangan ng personal na pakikilahok ng bawat isa sa mga binyagan. Tayong lahat ay mga disipulong isinusugo, mga missionary disciples. Ang bawat Kristiyano na nakaranas ng pag-ibig ng Diyos kay Hesukristo ay misyonero. Mga kapanalig, tandaan natin, katulad ng mga alagad na kinatagpo ni Hesus sa Galilea bago siya umakyat sa langit, tayo rin ay kanyang isinusugo upang ipangaral ang Magandang Balita”. - Fr. Rolly Garcia

Duración:00:03:38

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 12, 2024

5/11/2024
A Thought A Day | May 12, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:05:48

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 11, 2024 – Sabado

5/10/2024
Mabuting Balita l Mayo 11, 2024 – Sabado Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16:23-28 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin, sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n’yo sa Ama sa Ngalan ko, ay ipagkakaloob n’ya sa inyo. Wala pa kayong nahiling sa Ngalan ko. Humiling kayo ngayon at tatanggap kayo at malulubos ang kagalakan ninyo. Sa paghahambing ko lamang ipinahayag sa inyo ang mga ito. Ngunit palapit na ang oras na hindi ako gagamit ng paghahambing kundi tahasan ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa ngalan ko kayo hihiling sa araw na ’yon; hindi ko ibig sabihin na hihingi ako sa Ama alang-alang sa inyo, ngunit mismong ang Ama ang umiibig sa inyo dahil umiibig kayo sa akin at naniniwala na mula ako sa Diyos. Galing ako mula sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.” Pagninilay: Aalis na ako sa sanlibutan at babalik sa Ama. Nagpapaalam na ang ating Hesus Maestro sa Kanyang mga alagad. Nag-heart-to-heart Siya sa kanila sa nalalapit na pagwakas ng Kanyang “divine earthly mission”. Para sa Kanya, napapanahon nang ibunyag na “Nagmula Siya sa Diyos at naparito Siya sa sanlibutan, para sa pag-akò sa kasalanang hindi Niya ginawa, at harapin ang kahiya-hiyang kamatayan, para handugan tayo ng panibagong-buhay at ng muling pagkabuhay. Ikalawa, sa Kanyang pagbabalik-anyong Espiritu, namaalam Siya sa mga alagad at umakyat sa Diyos Ama. Ito ang i-cecelebrate natin bukas. Bago siya umalis, ipinagkatiwala Niya sa mga alagad ang misyon ng pagpapahayag ng Magandang Balita sa buong mundo. Ito ang Missio ad gentes. Bilang Simbahan, tinatawag natin ito na World Communications Day na pinasinayaan ni Pope Paul VI noong 1967. Ngayong taon, makahulugan ang pahayag ni Pope Francis tungkol sa kahalagahan ng “karunungan ng puso”. Kailangan daw natin ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Nakakamit natin ang karunungan sa mga natututuhan natin sa mga karanasan, pagpulot ng aral sa mga maling nagawa, at sa pagsasaliksik ng kung ano ang tama. Samantalang ang puso naman ay ang tahanan ng katotohanan at pagpapasya. Sinisimbulo nito ang integridad at pagkakaisa. Higit sa lahat, ang puso ang panloob na tagpuan natin sa Diyos. Kaya’t pagsikapan nating taglayin ang karunungan ng puso dahil malaki ang pananagutan natin sa bawat nabibitawan nating salita. - Sr. Gemmaria Dela cruz, fsp l Daughters of St. Paul

Duración:00:04:06

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 11, 2024

5/10/2024
A Thought A Day | May 11, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:05:39

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 10, 2024 – Biyernes

5/9/2024
Mabuting Balita l Mayo 10, 2024 – Biyernes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16,20-23 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan. Namimighati ang babaeng malapit nang manganak sapagkat sumapit na ang oras niya. Ngunit pagkasilang sa sanggol, hindi na niya naaalaala ang dalamhati dahil sa galak: pumasok sa mundo ang isang tao! “Gayundin kayo namimighati ngayon. Ngunit muli ko kayong makikita at magagalak ang inyong kalooban, at walang makaaagaw sa galak ninyo. At sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n’yo sa Ama sa Ngalan ko ay ipagkakaloob niya sa inyo.” Pagninilay: "Tatangis kayo at tataghoy ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan." Ang dalamhati ng mga alagad sa paglisan ni Hesusay mapapalitan ng kagalakang walang makaaagaw sa kanila. Hindi ito mapapawi ninuman dahil nakaugat ito sa espiritwal na pananatili na hindi kailanman mawawala, gaya ng katawan niya habang nabubuhay sa mundo. Mas malalim at ganap ang presensiya ni Kristo dahil hindi ito natatapos. Kaya naman ang kaligayahang walang 'makakaagaw sa inyo' ang kapupunan ng 'kapayapaang hindi maibibigay ng mundo.' Napakaganda ng larawan ng inang malapit nang magluwal ng kanyang sanggol. Halu-halo ang emosyon niya: takot, pangamba, pighati, galit, agam-agam, pisikal na paghihirap at pagkabalisa. Kahit na marami nang pag-unlad sa medisina tulad ng caesarean operation, hindi nabubura nito ang katotohanang agaw-buhay lagi ang ina sa pagluwal ng kanyang sanggol. Pero lahat ng ito’y napapawing parang ulap kapag narinig na ng ina ang 'uha' ng kanyang anak at mayakap ito sa kanyang dibdib. Oo, mahirap ang buhay sa mundo. At hindi biro ang maging alagad ni Kristo dahil kasama lagi dito ang pagpapasan ng krus. Pero napapalitan ng kagalakan ang pamimighati, dahil may bagong Buhay na iluluwal sa bawat pasakit at sakripisyo, kung iuugnay natin ito sa krus ng Panginoong Jesus. Tanging sa krus lamang magkakaroon ng bagong buhay ang mundo – at hindi natin mararanasan ang lubos na kaganapan kung magtitiis lang tayo na malayo kay Kristo. Sapagkat sa krus lamang ni Kristo masusumpungan ang kaligtasan, ang kaligayahan at ang buhay.

Duración:00:03:47

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

A Thought A Day | May 10, 2024

5/9/2024
A Thought A Day | May 10, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duración:00:05:00

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Mabuting Balita l Mayo 9, 2024 – Huwebes

5/8/2024
Mabuting Balita l Mayo 9, 2024 – Huwebes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16,16-20 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sandali pa at hindi n’yo na ako muling makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako.” At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa’t isa: “Ano ba itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako’ at ‘Papunta ako sa Ama’?” Kaya sinabi nila: “Ano ba itong ‘sandali’? Hindi natin alam kung ano ang sinasabi n’ya.” Alam ni Hesus na niloloob nilang tanungin s’ya at sinabi n’ya sa kanila: “Itinatanong n’yo sa isa’t-isa ang ibig kong sabihin, ‘Sa sandali pa at hindi n’yo na ako makikita, at sandali lamang at makikita n’yo ako.’ Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy, ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan. Pagninilay: Sandali lang po! Madalas ito ang sagot kapag may inuutos si Mamang o si Papang sa aming magkakapatid. Kahit na may mga toka na kami sa mga gawaing bahay at alam naman na walang ibang gagawa ng naka-atas sa amin, laging “Sandali lang” ang sagot kapag ipinaalala yon. Minsan, tatlong beses nang sinabi na maghugas na ng pinagkanan, at naka-tatlong sandali lang na sagot. Nagalit na ang Papang: “Ano, tatakpan ko na lang ba ng banig ang lamesa? At dito na rin tayo kakain bukas?” Saka pa lang nagkumaripas at nagtulung-tulong kami sa pagliligpit. Sa Mabuting Balita ngayon, walong beses inulit ang sandali na lang. Sa Griego po, ito ay micron, pero dalawang sandali ang tinutukoy ni Jesus: “Sandali pa at hindi nyo na ako makikita, at sandali pa at makikita nyo rin ako.” Una, sandali na lang at magdurusa na at mamamatay si Kristo sa Krus – kaya’t hindi na siya makikita ng mga alagad. Ang ikalawang sandali na lang ay ang kanyang pagkabuhay na mag-uli, ang pagtatagumpay niya laban sa kasalanan at kamatayan. Sinabi niya ito sa kanila para maging handa sila sa mga paghihirap ni Jesus na masasaksihan nila, at nang hindi sila mawalan ng pag-asa. Magbubunyi at magagalak ang mga nagpapatay sa Kanya at mapupuno ng pighati ang kanyang mga alagad. Pero pagkatapos ng tatlong araw, sila ang magdiriwang kay Kristong muling nabuhay. Kapatid/ kapanalig, sandali lang ang mga paghihirap na pinagdaraanan natin dito sa lupa. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Roma: “Ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.” Kaya’t tibayan natin ang ating loob, at huwag tayong padaig sa kawalan ng pag-asa.

Duración:00:03:50

Pídele al anfitrión que permita compartir el control de reproducción

Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Pachomius the Great, The Founder of Christian Cenobitic Life l May 9

5/8/2024
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Pachomius the Great, The Founder of Christian Cenobitic Life l May 9 According to the Pontifical Yearbook, the annual directory of the Catholic Church, there are now a million priests, brothers and nuns living in communities in various religious institutes. This is excluding the diocesan priests who serve in parishes. How religious life began to be lived in communities is what we shall discover in the biography of our saint today, St. Pachomius the Great. St. Pachomius was born in 292 A.D. in Thebes, now Luxor, Egypt. His parents were pagan but they gave him an excellent secular education. At twenty years old, he was conscripted in the army of Roman Emperor Constantine, where the new recruits were placed in a prison guarded by soldiers. Local Christians came to give them food and took care of their other needs. Pachomius was surprised and asked why those Christians were serving them. He learned that they were fulfilling the Commandment of God to love their neighbor. Impressed, he soon vowed to become a Christian himself. When he returned from the army, he asked to be baptized and went to a lonely place to lead an ascetic life. Then he sought the help of a desert-dweller Palaemon for spiritual guidance, and followed his instructions about monastic life. After a few years following this kind of life, he went to a desert and there he heard a voice ordering him to start a monastery. He and Palaemon believed that this voice came from God. They went to a certain spot and built a small monastic cell, but soon Palaemon died. Yet God did not abandon him. An angel came to Pachomius, disguised as a monk, and gave him a Rule of monastic life. It is this rule that both St. Benedict and St. Basil based and developed their Rules. Pachomius’ brother came to join him. Gradually, other men began to follow him because of his love for prayer, love for work, his task of giving guidance and counselling and service to others, especially the sick. He introduced a cenobitic monasticism. Cenobitic life is life lived in common, with strict discipline, regular daily worship and manual work. The monks fulfilled the work assigned to them through obedience, they were not allowed to possess their own money and those who disobeyed were punished. Pachomius’ sister Maria came for a visit, but observing the strict Rule, he did not see her. He only blessed her and asked her to enter monastic life, promising to help her. The monks built her a hut on the opposite side of the Nile River. Other women began to join Maria and soon a women’s monastery was formed with strict monastic Rule furnished by Pachomius. Pachomius was not a priest. When he was to be ordained by St. Athanasius, he fled. But he was severe and strict upon himself, kind condescending to the other monks. He taught them monastic obedience, chastity, humility, fasting, austerity, prudence, to avoid judging others, to fulfill their assigned tasks and to treat the sick with special care. He instructed them to rely more on the mercy and help of God. The Lord granted Pachomius the gift of miracles, yet he suffered much from the wickedness of the devil. When he died in 348, there were eight monasteries and several hundred monks living cenobitic life. They spread from Egypt to Palestine, North Africa and Europe. He is remembered as the founder of Christian cenobitic life. His feast is celebrated on May 9. Virtue: piety, humility, austerity, prudence, chastity, obedience, fidelity, kindness and austerity. Prayer: St. Pachomius, we pray that all who live monastic cenobitic life may be faithful to the vows they profess.

Duración:00:05:20