PAULINES-logo

PAULINES

1 Favorite

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul

Location:

United States

Description:

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul

Language:

English


Episodes
Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes

5/2/2024
Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 14:6-14 Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” Pagninilay: Kamakailan, nakasalubong ko ang isang babae na humingi ng blessing. Pagka-bless niya, nangilid ang luha. “O bakit? Anong nangyari?” tanong ko. “Pwede po ba kayong makausap sandali?” sabi niya… Tumango ako at pinakinggan ang kanyang kwento. Galing pala siya sa isang simbahan para humingi ng payo sa pari, pero wala daw itong panahon dahil abalang-abala. Sinubukan din ng babae na kausapin ang isang madre, pero hindi rin siya pinakingan. Kaya sabi niya, “Salamat, sister, dahil ikaw ang naging mukha ng Diyos para sa akin ngayon.” Sa Mabuting Balitang narinig natin, hiniling ni Felipe kay Hesus na ipakita sa kanya ang mukha ng Diyos Ama, at masisiyahan na siya. Kahit matagal na nilang kasama si Hesusay hindi pa rin nila siya nakikilala – na kaisa niya ang Diyos Ama. kapanalig, nilikha tayong lahat sa wangis ng Diyos. Pinalalalim mo ba ang pagkilala mo sa Panginoon sa panalangin at pag-aaral ng kanyang Salita? Nagtataglay ang bawat isa sa atin ng natatanging katangian ng Diyos. Ano ang katangiang ipinagkaloob niya sa iyo? Paano mo maipapakita ang mukha ng Diyos sa iba sa araw na ito? Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul

Duration:00:03:57

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | May 3, 2024

5/2/2024
A Thought A Day | May 3, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:06:43

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Mayo 2, 2024 – Huwebes

5/1/2024
Mabuting Balita l Mayo 2, 2024 – Huwebes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15: 9-11 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.” Pagninilay: Isa sa mga favorite flowers ko ang Everlasting. Kahit matagal mo nang pinitas, nananatili pa rin ang pagkacolorful at shiny ng petals. Higit sa lahat, gustong-gusto ko ito noong iniaalay sa aming altar ng Kristong hari. Nananatili ito at nagtatagal sa altar ng aming bahay. Pananatili. Ito ang paanyaya ni Hesus Maestro sa atin. Pananatili sa kanyang pagmamahal. Paano nga ba mapapanatiling sariwa ang pagmamahal? Alam natin na ang pagmamahal ay isang handog na galing sa ating Diyos Ama. Nakakintal ito sa ating puso at diwa. Paano naman tayo mananatiling nagmamahal? Ano ang susi? Katapatan. Sa kabila ng tukso na tumanggi, tumiwalag, tumakas, manatiling tapat. Di ba’t tapat ang ating Panginoon sa atin? Pinatunayan Niya ito nang Muli Siyang nabuhay! Matapos ang tatlong araw sa puntod, nagtagumpay siyang dala ang panibagong buhay para sa atin. Binigyan din Niya ng kahulugan ang ating buhay sa kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa. Sinimulan Niya ito bago Siya umakyat sa luklukan ng Diyos Ama. Kay gandang pagnilayan kung paano’ng tayo na inalayan Niya ng Kanyang katapatan, ay nais din Niyang maging bahagi ng Kanyang plano ng kaligtasan para sa lahat. Ito nga ang pakikibahagi sa kagalakan ng ating Panginoon. Sundin natin ang Kanyang payo na tumahak sa landas ng pananatili, tulad ng taimtim na panalangin, at laging handang magparaya ng oras, lakas at kakayanan. Ikalawa, tumalima sa kalooban ng Ama na maglingkod nang hindi naghihintay ng kapalit. Ngayong buwan ng ating Inang Maria, matuto sana tayo sa kanyang matimtiman at tapat na puso. Siya ang dakilang halimbawa ng tunay na pananatili. Siya rin para sa akin ang buhay na larawan ng everlasting flower. Matulad sana tayo sa kanya, sa tulong ng biyaya at awa ng ating Panginoon.

Duration:00:03:47

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | May 2, 2024

5/1/2024
A Thought A Day | May 2, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:05:22

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 – Miyerkules

4/30/2024
Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 - Miyerkules San Jose Manggagawa Ebanghelyo: MATEO 13, 54-58 Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba’t siya ang anak ng karpintero? Hindi ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba’t narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya. Pagninilay: Nagtatakang nagtanong ang mga taga-Nasaret: “Saan kumuha ng karunungan at mga makapangyarihang gawa ang taong ito? Hindi ba ito ang anak ng karpintero?” At ayaw nilang kilalanin siya. Sa iba pong salin, ang mga makapangyarihang gawa ay tinawag na kababalaghan, milagro at himala. Ano ba ang inihahayag ng mga makapangyarihang gawa ng Diyos? Gaya ng narinig natin sa Ebanghelyo, ang presensiya ng Diyos kay Jesukristo ay nagpapagaling at nagpapalaya sa anumang sitwasyon ng karamdaman, kahirapan o kasamaan. Kaya nga hindi makapaniwala ang mga taga-Nasaret. Kasi, anak “lang” naman si Hesus ng karpintero, at kilala nila siya. kapanalig, alam mo ba na ang mga makapangyarihan gawa ng Diyos ay nangyayari pa rin hanggang ngayon? Oo, maraming milagrong nagaganap, at iyong iba pa nga ay sa pamamagitan ng ating mga kamay! Sapagkat anumang trabaho o hanapbuhay kapag ginawa nang may dangal, katotohanan, at mapagmahal na layunin ay nagpapabanal. Tuwing tayo’y nagpapatawad, nagmamahal, nagpaparaya, at ginaganap nang may responsibilidad ang ating tungkulin, hinahayaan nating maging daluyan tayo ng makapangyarihang gawa ng Diyos. Oo, kapanalig. Katulad ni San Joseng karpintero, tayo rin ay binigyan ng misyon ng Panginoon na itaguyod at akayin ang kapwa tungo kay Kristo. Huwag tayong manghinawa kung hindi tayo paniniwalaan ng iba, o pinahihirapan tayo sa ating trabaho; bagkus ay magpatuloy tayong makiisa sa mga makapangyarihan gawa ng Diyos. Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul

Duration:00:03:34

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | May 1, 2024

4/30/2024
A Thought A Day | May 1, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:04:39

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Abril 30, 2024 – Martes

4/29/2024
Mabuting Balita l Abril 30, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:27-31a Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan. Hindi tulad ng pagbibigay ng mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong mga puso; huwag kayong matakot. Narinig ninyong sinabi ko sa inyo: ‘Paalis ako subalit pabalik ako sa inyo.’ Kung minhal ninyo ako, magagalak sana kayo sa pagpunta ko sa Ama, sapagkat mas dakila sa akin ang Ama. “Ngunit sinasabi ko na ito ngayon sa inyo bago mangyari, upang maniwala kayo kapag nangyari ito. Hindi ko na kayo kakausapin nang mahaba sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Wala siyang inaari sa akin, ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at kung anong iniutos sa akin ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa.” Pagninilay: Isinulat ni Cl. Eugene Leano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Payapa ka ba? Maaaring hindi. Maaaring punong-puno ang isip mo ng mga kailangan mong gawin, o di kaya ng mga alalahanin, o di kaya naman ng mga problema. Normal po ito. Sa ebanghelyo natin ngayong araw, sinabi ni Kristo na tayo’y binibigyan niya ng kapayapaan; pero sinabi rin niya na ang kapayapaang binibigay niya, ay iba sa kapayapaang binibigay ng mundo. Ano ba yung kapayapaang binibigay ng mundo? Ito yung kadalasang iniisip natin na ibig sabihin ng kapayapaan – yung para kang nakabakasyon, walang iniintindi at walang iniisip, nakahanda na ang kakainin, at kakain ka na lang. Hindi na kailangang isipin ang mga bayarin at kung anupaman. Yan ang kapayapaan ng mundo. Pero hindi iyan ang kapayapaang kaloob ni Kristo. Ang kapayapaang kaloob niya, yung kapanatagan ng puso at isip, kahit na puno tayo ng problema at alalahanin. Ang kapayapaang kaloob ni Kristo, yung kapayapaang dulot ng ating pagtitiwala na kasama natin ang Diyos, at anuman ang pinagdadaanan natin, mapagtatagumpayan natin ito sa huli, kung kasama natin siya. Kaya nga, pinapa alalahanan tayo ng ating ebanghelyo ngayon, na huwag tayong matakot o mabalisa. I-correct din natin ang maling pag-iisip, na kung tayo’y madasalin at panay ang lapit sa Diyos, hindi na tayo magkaka problema at magiging komportable na ang buhay natin. Dahil ang mga problema at suliranin sa buhay ay nandidyan at hindi maiiwasan habang tayo’y nabubuhay. Pero, kayang-kaya natin itong harapin at malagpasan kung kasama natin ang Panginoong Hesukristo, na siyang bukal ng ating buhay at tunay na kapayapaan. Amen.

Duration:00:04:29

Ask host to enable sharing for playback control

Walking with the Saints l Feast of St. Pius V, Pope, Patronage of Roccaforte Mondovì Diocese of Alessandria Urbiztondo, Pangasinan l April 30

4/29/2024
Walking with the Saints l Feast of St. Pius V, Pope, Patronage of Roccaforte Mondovì Diocese of Alessandria Urbiztondo, Pangasinan l April 30 Today, we have another very extraordinary saint, St. Pius V, a pope who had accomplished so much for the Roman Catholic Church. He implemented the decrees and spirit of the Council of Trent, the Council which addressed the challenges of the Protestant Reformation and systematized the Catholic Church’s response to the Protestants. He was also responsible for the standardization of the manner of celebrating the Holy Mass, in administering the Sacraments, in praying the Liturgy of the Hours and the performance of other ecclesiastical functions. St. Pius V was born Antonio Ghislieri in Bosco, Lombardy, Italy on January 17, 1504. At the age of 14, he took the Dominican habit and after his priestly ordination was assigned as lector in philosophy and theology for 16 years, and became a novice master, governing the house according to the spirit of the founder. In 1556, he was appointed Bishop. He was transferred to the bishopric of Mondovi after it was ravaged by war and was able to restore peace, order and stability in the place. Afterwards, he was recalled to Rome for other important duties. In 1565, Pope Pius IV died and Michael (his Baptismal name) Ghislieri was chosen to take his place. He took the name Pius V. Among his first injunctions was that all bishops should stay in their own dioceses and the parish priests should have residence in their parish. The new Catechism was completed, and catechetical instruction to the young was carried out seriously, the new Breviary was published, the Holy Scripture regained its proper place, and the prayers of the Missal were restored, some revised and adapted to the needs of the time. He also encouraged the improvement of Ecclesiastical music. Besides the preoccupation for the needs of the Church, he also devoted time and effort to help the poor and the needy. For instance, the money intended to give a lavish banquet for ambassadors, bishops and dignitaries during his coronation was not spent for that purpose but was distributed to the poor and the hungry. Pope Pius V was a young boy when Protestantism began and in his lifetime, he saw it as a big challenge to the Church. So among the many problems he faced was the growing Protestant influence among the Catholics. He had also to combat the Turks under the Ottoman Empire. When the forces of the Ottoman Empire (the Turks) attacked and tried to take a part of Venice, the Holy League composed of Christian forces fought against them. Through divine intervention, the Christians defeated the Turks. The victory which happened on October 7, 1571 was attributed to the intercession of the Blessed Virgin Mary, whom the Christians invoked during the fierce battle. It is recorded that Christians prayed the Rosary while the battle was going on. This is now known as the “Victory of Lepanto.” Pope Pius V gave Mother Mary the title Our Lady of Victory and a feast was established under this title. Six months after the glorious victory, Pope Pius V was struck by a painful bodily disorder which he had suffered for some time and died on May 1, 1572. He was canonized by Pope Clement XI in 1711. His shrine is in the Basilica of St. Mary Major in Rome. Virtue: piety, humility, commitment, perseverance, charity, courage, loyalty and integrity Prayer: “St. Pius V, pray for us, that all Church leaders and Catholic faithful may follow devotedly the various rules of the Church.”

Duration:00:04:58

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | April 30, 2024

4/29/2024
A Thought A Day | April 30, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:05:35

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Abril 29, 2024 - Lunes

4/28/2024
Mabuting Balita l Abril 29, 2024 - Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:21-26 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipakikita ko sa kanya ang aking sarili.” Sinabi sa kanya ni Judas, hindi ang Iskariote: “Panginoon, paano mangyayaring sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hindi sa mundo?” Sumagot si Hesus at nagwika sa kanya: “Kung may nagmamahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupuntahan namin siya at sa kanya namin gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nagmamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Amang nagpadala sa akin. “Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng Tagapagtanggol ang lahat. Siya ang Espiritu Santong ipadadala ng Ama sa ngalan ko, at ituturo niya sa inyo ang lahat at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Noong bagong pasok ako sa kumbento, ang madalas na pumapasok sa aking isipan ay ang mga sandali na nag-uusap kami ni Tatay. Dahil dalawang taon akong nahinto sa pag-aaral, sa kakulangan ng pera matapos ang high school, madalas sa gabi ay nag-uusap kami ni Tatay. Doon ko nakita ang lalim ng karunungang meron si Tatay. Marami siyang words of wisdom, lalo na, kung tungkol sa hirap ng buhay ang pag-uusapan. Madalas sabihin ng Tatay, walang krus na hindi kayang dalhin. Mahalin ang taong nagkasala, dahil ang kabuuan ng tao ay mabuti. Ibig sabihin, hate the sin, not the sinner. Ipinakikita sa Mabuting Balita na ang ugnayan ng Diyos Ama at Anak ay lubhang malapit sa isa’t isa. Sa pagbasa, narinig nating sinabi ni Hesus, “Ang sino mang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya.” Mga kapanalig, ang karanasan, mga pangyayari, mga taong nakakasalamuha natin ay mga instrumento ng Diyos upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Kanya. Idalangin natin, na sa tulong ng mga aral at turo ng Panginoong Hesus, makaisa nila tayo sa buhay natin dito sa lupa, at sa langit na pangarap. Manalangin tayo: Panginoon, kulang na kulang ang aming kakayahan upang sumunod sa iyo at manalig. Ang tawag ng kabanalan ay hindi madali. Pero sa tulong ng Banal na Espiritu na laging gumagabay, kami ay makasusunod sa inyo. Nawa’y lagi po ninyo kaming gabayan. Amen.

Duration:00:04:41

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | April 29, 2024

4/28/2024
A Thought A Day | April 29, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:05:41

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Abril 28, 2024 – Linggo

4/27/2024
Mabuting Balita l Abril 28, 2024 – Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B) Ebanghelyo: Jn 15:1-8 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga. “Malinis na kayo dahil sa wikang bingkas ko sa inyo. Manatili kayo sa akin, ako naman sa inyo. “Hindi makapamumunga ang sanga mula sa ganang sarili, malibang manatili ito sa puno ng ubas; gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Kung may nananatili sa akin at ako naman sa kanya, namumunga siya ng sagana; ngunit kung hiwalay sa akin ay hindi ninyo kayang gumawa ng anuman. Kung may di nananatili sa akin, itatapon siya sa labas gaya ng sangang natuyo, na tinitipon at iginagatong sa apoy at nagliliyab. “Kung mananatili kayo sa akin at mananatili naman sa inyo ang aking mga salita, hilingin ninyo ang anumang loobin Ninyo at gagawin ko para sa inyo. Sa ganito pararangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.” Pagninilay: Sa Ebanghelyong ating narinig, tinukoy ni Hesus ang Kanyang sarili bilang tunay na puno ng ubas. Sinabi Niya, “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka.” Ayon kay Hesus, matamis at sagana ang Kanyang bunga at tayo ang Kanyang mga sanga. Mga kapatid, habang patuloy tayong nagninilay sa Muling Pagkabuhay ni Hesu-Kristo, inaanyayahan tayo ni Hesus na manatili sa Kanyang piling. Sa ganitong paraan, tataglayin natin ang matamis at saganang buhay sa piling ng Espiritu Santo. Kailangan lamang tayong manatili kay Hesus dahil kung hiwalay tayo sa Kanya, mamumuhay tayong walang-sigla, malungkot, madaling mawalan ng pag-asa, at puro negatibong pananaw at pananalita ang mananaig sa atin. At kapag nasa ganito tayong sitwasyon, magiging mabigat ang buhay at nawawalan ng saysay ang ating pag-iral sa mundo. Ito marahil ang isa sa mga dahilan ng mga taong nauuwi sa depression at nawawalan na ng ganang mabuhay. Kaya pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon, na kung nagnanais tayong mabuhay nang ganap, kasiya-siya at tunay na may kapayapaan ang puso’t isip, manatili tayo sa Panginoong Hesus. Maglaan tayo ng panahong makipag-usap sa Kanya sa isang taimtim na panalangin. Siya ang bukal ng ating buhay, ang ating pinagmulan at ang ating uuwian pagkatapos ng maikling buhay na pinahiram Niya sa atin sa mundo. Hilingin nating manatili sa Kanyang piling hanggang sa katapusan ng ating buhay. Amen.

Duration:00:04:34

Ask host to enable sharing for playback control

Walking with the Saints l Feast of St. Peter Chanel, Patron Saint of Oceania l April 28

4/27/2024
Walking with the Saints l Feast of St. Peter Chanel, Patron Saint of Oceania l April 28 Today, we will hear about the life of a missionary priest who was martyred for converting many pagans to Christianity. He is a “Marist,” a member of the religious order called Society of Mary, a religious congregation of priests and brothers whose aim is to live the Gospel in the spirit Mary lived it, hidden and unknown. Friends, our saint today is St. Peter Chanel. Peter was born Pierre Louis Marie Chanel in the hamlet of La Portiere, France on July 12, 1803. From the age of 7 to 12, he worked as a shepherd boy. His parish priest encouraged his parents to send him for his studies at the parish school and there his intelligence attracted a visiting priest, Fr. Trompier who took over the boy’s education. After Peter’s First Communion on March 23, 1817, he began to be interested in missions abroad. He entered the minor seminary, then attended the diocesan college in 1823 and enrolled at the major seminary in Brou in 1824. He was ordained on July 15, 1827. The following year, he was assigned as parish priest for three years. It was during this time that he heard about the Marists. At the age of 28, in 1831, Fr. Chanel joined the newly founded Society of Mary (Marists). He wanted immediately to go to the mission but he was appointed as spiritual director at the seminary in Belly and stayed there for five years. In 1836, when he accompanied Jean-Claude Colin, founder of the Marists, to Rome to seek pontifical approval for the Society of Mary, they were asked to send missionaries to the southwest Pacific with the Pope promising to approve their congregation. Fr. Chanel professed as a Marist on September 24, 1836 and was chosen superior of the first seven Marists to be sent to Oceania. They arrived in Futuna on November 8, 1837. At first, the missionaries were received well by Futuna’s king. A little later, since many were being baptized, the king thought that Christianity would undermine his position as high priest and king, so he sought to drive the missionaries away. When the king’s son asked to be baptized, the king became furious and ordered his son-in-law to dissuade him. At first they calmly discussed the issue but then the discussion led to fighting. Defeated and injured, this son-in-law went to Fr. Chanel pretending to ask for help, but while his wound was being tended, his companions took an ax, gave it to him and he clubbed Fr. Chanel to death. It happened on April 28, 1841. He was 38 years old and it was later brought back to New Zealand. The relics remained jn Bay Islands until 1849. Then they were taken to Australia, and then sent back to Europe. On June 1, 1850 the remains arrived at the monastery of the Society of Mary in London. In 1977, the relics were returned to Futuna and the skull was brought there in 1985. Most islanders converted and the person who killed Fr. Chanel was also converted. Fr. Chanel was declared a martyr and beatified in 1889. He was canonized on June 12, 1954 by Pope Pius XII and is recognized as the protomartyr and patron saint of Oceania. His feast day is celebrated on April 28. Marist priests and brothers working in Oceania cover a territory as big as Western Europe, which includes six independent nations and two French territories. This Oceania province is the largest in the Society of Mary. Virtue: piety, humility, generosity, fidelity, courage, bravery, fortitude, charity and adaptability. Prayer: “St. Peter Chanel, please pray for the protection of missionaries in pagan territories.”

Duration:00:05:16

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | April 28, 2024

4/27/2024
A Thought A Day | April 28, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:05:18

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado

4/26/2024
Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:7-14 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala n’yo rin ang aking Ama. Ngunit kilala n’yo siya at nakita n’yo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot naman sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon n’yo na akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. In Jesus name, “hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus.” Madalas ganito tayo manalangin, at maging sa Misa ay maririnig natin ang mga salitang ito. Marahil hango ito sa ating Ebanghelyo ngayon araw, kung saan sinasabi ni Hesus, na kung anuman ang hihilingin natin sa Ama sa pamamagitan nya ay tiyak na ipagkakaloob. Pero may iba sa atin na ginagamit ang pangalan ni Hesus na parang magic. Na kapag babanggitin nila ang mga salitang ito na kahit walang pananampalataya, ay matutupad ang kanilang ninanais. Parang Hocus Pocus. Pero eto nga ba ang ibig sabihin ni Hesus? Mga kapanalig, mahalaga ang pangalan, makapangyarihan ang pangalan, maging sa konteksto ng mga Hudyo. Nagkakaroon tayo ng kapangyarihan sa mga taong nakikilala natin. Pero, ang kapangyarihang ito ay nagmumula sa pakikipag- ugnayan natin kay Hesus, sa ating personal na relasyon sa kanya at sa Ama. Dito, ipinapakita din ni Hesus ang kanyang malalim na ugnayan sa Ama, dahil ang Ama at siya ay iisa. Sa pagkakakilala natin kay Hesus, nakikilala din natin ang Ama. Kaya sa pagsasabi natin ng in Jesus’ name, o sa pangalan ni Hesus, nagpapahayag tayo na tayo ay kaisa niya, at nabibilang sa kanya, sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Tayo ay pinaghaharian niya, at doon nagmumula ang ating tiwala na humiling sa Ama.

Duration:00:04:36

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | April 27, 2024

4/26/2024
A Thought A Day | April 27, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:06:06

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Abril 26, 2024 – Biyernes

4/25/2024
Mabuting Balita l Abril 26, 2024 – Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:1-6 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Pupunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo para sa aking upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo. “At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Papaano namin malalaman ang daan?” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang Buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Pinky Barrientos ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Dumarating sa buhay natin ang mga pagkakataong nababalisa tayo o natatakot, dahil sa mga problemang nararanasan natin sa buhay. Maraming uri ng problema na pwedeng magdala ng takot sa ating puso. Problemang pinansyal, problema sa relationship, problema sa pag-aaral, sa health, sa work, problema sa pamilya, at iba pa, na pwedeng pagmulan ng takot at pagkabalisa, na makaka apekto sa ating pagkatao at sa ating pananampalataya sa Poong Maykapal. Mga kapatid, alalahanin nating, tanging si Hesus lamang ang ating makakapitan, sa panahon ng kagipitan. Tumawag lamang tayo sa Panginoon nang buong kababaang loob, tiyak na hindi niya tayo bibiguin. Diringgin niya ang ating panalangin, at nababatid niya ang hinaing ng ating puso. Kaya pinapa alalahanan niya tayo sa Mabuting Balita ngayon, na panaigin ang ating pagtitiwala sa kanya, at payabungin ang ating pananalig sa kanyang walang hanggang pagmamahal at pagkalinga sa atin. (Naalala ko ang kuwento ni Jonathan Roumie, yung star na gumaganap na Jesus sa “The Chosen.” Bago siya naging lead actor sa “The Chosen” at sumikat dahil dito, he was a struggling actor. Down na down siya, walang perang panggastos at pambayad sa rent. Pakiramdam niya talaga, nasa dead-end na siya. Sa puntong iyong ng kanyang buhay, tanging ang pananalig niya sa Diyos ang kanyang pinanghawakan. Nanalangin siya ng mataimtim at sinurrender niya sa Diyos ang kanyang buhay. To make the long story short, nakatanggap nga siya ng offer na gampanan ang the lead role ng “The Chosen.” Mga kapatid, huwag matakot, huwag mabalisa. Si Hesus ang ating daan, ang katotohanan, at ang buhay…

Duration:00:04:23

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | April 26, 2024

4/25/2024
A Thought A Day | April 26, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:05:29

Ask host to enable sharing for playback control

Mabuting Balita l Abril 25, 2024 - Huwebes

4/24/2024
Mabuting Balita l Abril 25, 2024 - Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Mk 16:15-20 Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila. Pagninilay: Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebangheyo. Ngayon ay Kapistahan ni San Markos, isang ebanghelista. Ang kanyang tanda ay isang leon na may pakpak. Bakit nga ba leon na may pakpak ang kanyang tanda? Unang-una, ayon sa aklat ng Ezekiel at Pahayag, ito ay tanda ni Hesus na makapangyarihan at muling nabuhay. Pangalawa, kung babasahin at pag-aaralan ang ebanghelyo, nagsisimula ito sa pamamagitan ni Juan Bautista, na may dumadagundong na panawagan (like the roaring of a lion) na may pakpak (na tanda ng kapangyarihan at tagadala ng mabuting balita), “Ihanda ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas… Ipangangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (cf. Mark 1:314). (Ang ebanghelyo ayon kay San Markos ay hindi tulad ng tatlong ebanghelyo na “tahimik” at may mahabang panimula pa. Ang kay San Marcos, wala nang pasikot-sikot, direct to the point. Kapansin-pansin din na hindi niya tinatawag si Hesus na Anak ng Tao, kundi Anak ng Diyos. Ito rin ang pinakamaikli sa lahat ng ebanghelyo.) Sino nga ba si San Markos? Hindi siya kasama sa labindalawang alagad ni Hesus. Gayunpaman, pinapaniwalaan na isa siya sa mga unang kristiyano; at ang tawag sa kanya ni San Pedro ay anak, dahil marahil, si San Pedro ang nagbinyag sa kanya. Kung kayat sabi sa unang sulat ni San Pedro, “Kinukumusta rin kayo ni Marcos, na aking anak sa pananampalataya” (1 Pedro 5:13-14). Dagdag pa dito, siya ang namuno upang maitayo ang simbahan sa Egipto. Mga kapatid, malaki ang ambag ni San Markos sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ito ang umalingawngaw na mensahe ni San Pablo noong nakulong siya sa Roma. Sabi nga niya, “Hanapin mo si Marcos at isama mo rito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gawain” (2 Timothy 4,11). // Sa ating pagdiriwang ng kapistahan ni San Markos, sana tularan natin siya na ipahayag si Hesus sa salita at gawa. Ito din ang hamon ng ating Ebanghelyo ngayon, “Humayo kayo at ipahayag ang Mabuting Balita. Amen.

Duration:00:05:01

Ask host to enable sharing for playback control

A Thought A Day | April 25, 2024

4/24/2024
A Thought A Day | April 25, 2024 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Duration:00:05:43